Friday, March 1, 2024

BANYUHAY


"Kailangan mong maniwala sa iyong sarili kahit walang naniniwala sayo"

Ang aking buhay noong nakaraang taon ay puno ng problema at pagsubok sa aming pamilya, na akala ko ay hindi namin malalampasan, kahit ako ay sinubok ng panahon na kahit anong gawin ko ay walang naniniwala na kaya ko itong gawin. Ito ang nagbigay sa akin ng dahilan na galingan at seryosohin ang mga bagay, marami ang nangyari masakit at mahirap, pero meron din namang saya, noong bata pa lamang ako ay sinasabihan na ako ng aking mga magulang na hindi ko kaya, pero ito ako ngayon kahit highschool graduate palang ay para sa akin ay malayo na ang narating dahil sa aking tiwala sa sarili. Marami akong kailangan baguhin at patunayan pa, kailangan kong baguhin sa aking sarili ay ang aking pakikipag usap sa aking pamilya, dahil nitong mga nakaraang buwan ay wala silang alam sa nangyayari sa buhay ko. Dahil sila ay busy sa kanilang mga sari sariling trabaho siguro ay iintindihin ko lalo sila ngayong taon na ito at unti unti kong ibabalik ang aking loob at tiwala na noon ay nasira, aking aayusin ang relasyon ko sa kanila at bibigyan pa sila ng pagkakataon na ito ay mabago at maayos.

No comments:

Post a Comment

BANYUHAY

" Kailangan mong maniwala sa iyong sarili kahit walang naniniwala sayo " Ang aking buhay noong nakaraang taon ay puno ng problema ...