"Kailangan mong maniwala sa iyong sarili kahit walang naniniwala sayo"
Janillematatag
Friday, March 1, 2024
BANYUHAY
"Kailangan mong maniwala sa iyong sarili kahit walang naniniwala sayo"
TULA
Pag-asa sa Dilim Liwanag ng Tagumpay
Sa gitna ng dilim, liwanag ay sumisilip, Sa pagtahak ng landas, tagumpay ay dala-dala.
Sa pag-asa't lakas, mundo'y laging may kulay, Sa bawat araw, buhay ay patuloy na umaawit ng saya.
TALAMBUHAY
Pag-asa sa Panahon ng Pagsubok
May isang bata sa isang magandang bayan ng cavite sya ay si Janille na may mataas na pangarap, ngunit sa kahirapan ay siya ay nahihirapan. Isang araw ay nagtatalo ang kanyang mga magulang tungkol sa pera, at hindi nya alam ang gagawin sapagkat sya ay bata pa laman. Pero ito ay kanilang nalagpasan, masaya si Janille tuwing nauwi ng bahay ang kanyang ama sapagkat sila ay buo at masaya. Masaya si Janille tuwing sasapit ang kapaskuhan sapagkat sila at napunta sa kanyang lola at lolo at duon nag didiwang ng pasko at bagong taon, kahit bakasyon ay naroon sila. Hanggang sa isang araw ay sumakit ang pandemya at sila ay naghirap at tumigil sa pagtratrabaho ang kanyang mga magulang, ang kanyang ama ay naiwan sa kanyang pinagtratrabahuhan at walang makain, sapagkat sila ay walang pera dahil walang trabaho. Sobrang hirap ng buhay na naranasan ni Janille at kanyang buong pamilya, lahat na ng trabaho ay pinasok na nila ngunit hindi parin ito sapat, sobrang hirap at nakikita ni Janille ang kanyang ina na umiiyak. Hanggang sa natapos ang pandemya ang kanyang mga magulang ay pumunta sa kanyang lola at lolo upang maghanap ng trabaho, sila ay binigyan ng trabahaho hanggang sila ay makabawi. Sumapit na ang baksyon ng mga mag aaral at sila ay pumunta sa kanilang lola at lolo, sila ay masaya hanggang sa napag pasyahan ng kanilang mga magulang na sila ay doon na lamang mag aral. Sila ay umahon na sa hirap at hindi na muli kinapos sa pera, madaming pagsubok ang dumaan sa kanilang pamilya pero sama sama nila itong nilagpasan.
SPOKEN POETRY
Liwanag ng Kaibigan
Sa pagsapit ng gabi't araw, Kaibigan, sa'yong tabi'y nananatili. Sa bawat hakbang, sa bawat tawag, Kahit sa dilim, ikaw ay liwanag.
Mga kwento't hagikhik, di mawawala, Sa'yong piling, saya'y walang hanggan. Sa iyong mga mata, damdamin ay tunay, Sa mga pighati, kaibigan, nariyan ka.
Tulad ng bituin sa kalangitan, Ikaw ay nagbibigay ng liwanag sa aking landas. Sa bawat problema't hamon na dumarating, Kaibigan, sa'yong tulong, kinakaya
Sa laban ng buhay, di kita iiwan, Hanggang sa dulo, magkasama tayo. Kaibigan, salamat sa bawat sandali, Sa'yong pagmamahal, walang katulad na araw.
Sa paglalakbay ng buhay na puno ng himagsikan, Kaibigan, ang iyong pagmamahal ay tanglaw sa dilim. Sa mga sandaling pagsubok, di kita pababayaan, Kasama mo sa tagumpay, sa bawat tagumpay at ginhawa.
ANTAS
Primarya
– Tauhan: Anak, Ina
–Tagpuan: Bahay
Mapagsiyasat
– Ang akala ng bata na ang buhay ay walang problema at puro saya lamang, akala nya ay masaya ang kanyang ina pera sa loob nito ay sakit ang nararamdaman.
Analitikal
– Isang araw ay nakita nya nalamang ang kanyang ina na lumuluha at nalaman nya na hindi pala tulad ng nasa isip at nakikita nya ang totoong buhay, puno pala ito ng problema at sakit na akala nya ay masaya at walang problema.
Sintopikal
Hindi sapat na makita mo lamang na nakangiti ang isang tao ay wala na itong problema, hindi sa lahat ng oras ay masaya may halo itong problema at pagsubok na iyong lalampasan na kasama ang iyong pamilya.
BABASAHIN
PAMAGAT-florante at laura
GENRE- Tula
MAY-AKDA: Francisco Baltazar
PAKSA
– Laban sa kasamaan at pag-ibig
MENSAHE
– Ito ay nagppahalaga sa katapatan at pag-ibig.
– Ito ay nagpapakita ng pagiging matatag at may malaking pagmamahal na kayang gawin ang lahat para sa kan
yang mahal.
BANYUHAY
" Kailangan mong maniwala sa iyong sarili kahit walang naniniwala sayo " Ang aking buhay noong nakaraang taon ay puno ng problema ...

-
Liwanag ng Kaibigan S a pagsapit ng gabi't araw, Kaibigan, sa'yong tabi'y nananatili. Sa bawat hakbang, sa...
-
PAMAGAT-florante at laura GENRE- Tula MAY-AKDA: Francisco Baltazar PAKSA – Laban sa kasamaan at pag-ibig MENSAHE – Ito ay nagppahalaga sa ...
-
Primarya – Tauhan: Anak, Ina –Tagpuan: Bahay Mapagsiyasat – Ang akala ng bata na ang buhay ay walang problema at puro saya lamang, akala ...