Pag-asa sa Panahon ng Pagsubok
May isang bata sa isang magandang bayan ng cavite sya ay si Janille na may mataas na pangarap, ngunit sa kahirapan ay siya ay nahihirapan. Isang araw ay nagtatalo ang kanyang mga magulang tungkol sa pera, at hindi nya alam ang gagawin sapagkat sya ay bata pa laman. Pero ito ay kanilang nalagpasan, masaya si Janille tuwing nauwi ng bahay ang kanyang ama sapagkat sila ay buo at masaya. Masaya si Janille tuwing sasapit ang kapaskuhan sapagkat sila at napunta sa kanyang lola at lolo at duon nag didiwang ng pasko at bagong taon, kahit bakasyon ay naroon sila. Hanggang sa isang araw ay sumakit ang pandemya at sila ay naghirap at tumigil sa pagtratrabaho ang kanyang mga magulang, ang kanyang ama ay naiwan sa kanyang pinagtratrabahuhan at walang makain, sapagkat sila ay walang pera dahil walang trabaho. Sobrang hirap ng buhay na naranasan ni Janille at kanyang buong pamilya, lahat na ng trabaho ay pinasok na nila ngunit hindi parin ito sapat, sobrang hirap at nakikita ni Janille ang kanyang ina na umiiyak. Hanggang sa natapos ang pandemya ang kanyang mga magulang ay pumunta sa kanyang lola at lolo upang maghanap ng trabaho, sila ay binigyan ng trabahaho hanggang sila ay makabawi. Sumapit na ang baksyon ng mga mag aaral at sila ay pumunta sa kanilang lola at lolo, sila ay masaya hanggang sa napag pasyahan ng kanilang mga magulang na sila ay doon na lamang mag aral. Sila ay umahon na sa hirap at hindi na muli kinapos sa pera, madaming pagsubok ang dumaan sa kanilang pamilya pero sama sama nila itong nilagpasan.
No comments:
Post a Comment